BONG REVILLA - KAMPEON NG MANGGAGAWA

Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. muling tumindig para sa mga manggagawang Pilipino. Dekada nang ipinapanukala ni Revilla ang umento sa sahod para sa mga manggagawa na una nyang isinulong sa kanyang unang termino noong 2008.

Ngayong hapon ay lalo pa nitong pinagtibay ang panawagan sa mas pinataas na sahod sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng dagdag na kita sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa kanyang interpelasyon ay iginiit niyang malaking tulong ang dagdag na PHP 100 kada araw sa sahod upang maitawid ng bawat pamilyang Pilipino ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng disenteng pamumuhay.

Edward Sodoy