Uminit sa Baguio

Kahit nga kilalang napakalamig sa summer capital ng bansa, naging napakainit ang pagtanggap ng City of Pines sa kanilang panauhin na nagpaunlak sa kanilang paanyaya na dumalo at makiisa sa flower parade ng Panagbenga Festival.

Hindi magkamayaw ang mga residente na pilit makadaupang palad at mayapos si Senator Bong Revilla nang bumisita naman ito sa palengke.

Hindi kasi nagkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ni Bong ang mga naroroon sa parada sapagkat mahigpit na ipinagbawal ng mga organizer na lumapit ang mga kalahok sa parada sa mga nanonood. Kaya ganoon lang ang paghingi ng paumanhin ng Senador sa kanyang mga supporters, na nakatagpo rin niya paglaon matapos ang parada.

2.jpeg
1.jpeg
4.jpeg
5.jpeg
3.jpeg
6.jpeg
PR Team