El Shaddai Inndorso Si Senator Bong Revilla

Bong Revilla.jpeg

HINDI natinag ang pamamahala ng El Shaddai sa kabi-kabilang paninira na pinupukol ng mga kalaban sa pulitika laban kay Sen. Bong Revilla bagkus nangunguna ito sa mga inindorso para manalong Senador sa darating na eleksiyon.

Pinatunayan ni Mariano Zuniega Velarde o Bro. Mike Velarde founder at “Servant Leader” ng Philippine-based Catholic charismatic movement na mas kilala sa tawag na El Shaddai na hindi sila kailan man nagpapadala sa dikta ng iba.

Ang El Shaddai na tinatayang aabot hanggang pitong milyong miyembro ay nanindigang mabubuting Senador lamang ang kanilang inidorso at alam nilang makakatulong sa bansa sa darating na panahon.

Si Revilla na nakulong ng apat na taon at anim na buwan sa Custodial Center ng Camp Crame ay sinampahan ng imbentong kaso ng mga kalaban sa pulitika kaya napawalang-sala ito ng Sandiganbayan.

Kaya maging ang pamunuan ng El Shaddai ay inabsuwelto si Revilla , nilinis ang muntik nang masirang pangalan at ngayon binigyan ng napakalaking suporta nang isa ito sa pangunahing inindorso nila para mabalik sa Senado.

Sa ilang minutong ibinigay kay Revilla para magsalita ay sinabi nitong umabot sa 614 panukalang batas ang kaniyang iniakda at 223 sa mga ito ay umiiral na batas na at dodoblehin pa niya ang sipag sakaling mabalik sa Senado.

Matapos mailatag ni Revilla ang kaniyang plataporma na kumikiling sa mga manggagawa, OFWs at mahihirap nating kababayan ay umani ito ng masigabong palakpakan mula sa mga kaanib ng El Shaddai.

PR Team