BONGGANG BIRTHDAY GIVEAWAY NI BONG REVILLA

SABIK na sabik na ang maraming tagasubaybay ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa nalalapit niyang ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ bilang bahagi ng kaniyang birthday celebration na isasagawa ganap na alas 6 ng gabi sa Septyembre 25 ng taong kasalukuyan.

Si Sen. Bong na magdiriwang ng kaniyang ika-56 kaarawan ay pangungunahan ang kaniyang live program na tatawaging ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ na mapapanood sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph kasama si Lani Mercado-Revilla at ilan sa pamilya na magdaragdag saya sa buong programa.

Higit sa lahat ay inaabangan ang mga ipamamahaging premyo na lubhang pinaghandaan ni Sen. Bong bilang bahagi ng kaniyang pasasalamat sa kaniyang malakas na pangangatawan at walang tigil na biyaya hindi lang sa kaniyang kalusugan kung hindi ng kaniyang buong pamilya.

Sa pamamagitan umano nang pagtutulung-tulong ng mga sponsor, malalapit na kaibigan, ilang negosyante at iba pa ay nakatakda silang magbigay ng isang brand new car na siyang magiging highlight ng buong programa.

Mayroon pang 10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 para sa mga mapalad na mapipili sa lahat ng hindi bibitaw sa panonood ng birthday celebration ni Sen. Bong. Mayroon ding 500 katao ang mananalo ng tig-iisang libong piso.

Nabatid na taun-taong ginagawa ni Sen. Bong ang mamahagi ng cash at gadgets sa loob ng mahabang panahon at naging tradisyon na ng pamilya Revilla na mamahagi sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Alyas Pogi.

Ang kakaiba lamang sa darating na ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ ay mas bongga ang mga premyong naghihintay at inaasahang tututukan ito ng marami nating kababayan dahil napakarami pa ng premyong hindi nabanggit.

“Wala kayong ibang gagawin kung hindi ang tumutok lang sa programa, sumali sa mga palaro na puro madadali lang at may tsansa na kayong manalo ng isang bagong-bagong kotse , mga motorsiklo at marami pang iba” paliwanag ni Sen. Bong.

-30-

odyler villamor