Privacy Notice

Aming pinahahalagahan ang inyong mga karapatan alinsunod sa Republic Act No.10173 o Data Privacy Act.

Ang mga personal na impormasyon na inyong isusumite sa aplikasyon na ito ay gagamitin ng tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa ilalim ng proyektong “Pogi na Pasko.”

Makakaasa kayong ang mga impormasyong inyong isusumite ay gagamitin lamang ng aming tanggapan para sa mabilis na pakikipag-ugnayan at patas na pagpili ng mga benepisyaryo sa ilalim ng nasabing proyekto, at sa iba pang lehitimong proyekto, gawain at pakikipag-ugnayan ng aming tanggapan sa hinaharap. Makakaasa rin kayong hindi namin ipamamahagi o isisiwalat ang naturang impormasyon sa ibang institusyon o tao, nang wala kayong malinaw na pahintulot at maliban lamang bilang pagsunod sa ating mga batas.

Sa anumang katanungan, maaari po kayong magpadala ng email sa aming official email address sen@bongrevillajr.ph.

Para sa iba pang impormasyon, maaari kayong bumisita sa:

Office of Senator Ramon Bong Revilla, Jr.

Rm. 209 GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines: (632) 8-552-6601 to 70 local nos. 2537 to 2539 / 8512

Website: www.bongrevillajr.ph


Consent / Pahintulot

Pinapayagan ko ang tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na i-proseso ang aking personal na impormasyon upang makasali at magkaroon ng pagkakataon sa proyektong “Pogi na Pasko.”

Aking binasa at nauunawaan ang isinasaad sa Privacy Notice na kalakip ng aplikasyon na ito.